February 18th, 2007
word of the day: Heartbroken
Posted by twinseduction at 03:18 AM on February 18, 2007.
Sofia,
It's been a while. Well, at least three weeks to be exact. I've been very busy, my twin. Being a web master literally eats me up. I have to manage things here and there, fix these and those. Sigh.
I haven't been sleeping well, my dear sister. She has been stuck in my mind for quite a while now. However, she broke my heart.
On Valentine's day, I arrived at our usual spot. I defied the flu I had and still went, for the sake of seeing her at least. I thought we agreed the other week that we would see each other last Wednesday. It never happened. It never happened.
I hope you and your spouse had a good valentine's day.
I hope to hear from you soon.
XoXo
Alberto
January 23rd, 2007
word of the day: reunion
Posted by twinseduction at 12:06 AM on January 23, 2007.
Alberto,
ang saya twin, noh? sana ma post natin pix dito. sana pwede ng ipagmayabang sa blogosphere ng gwapo ka't maganda ako.
sana pwede tayong mgpaka evil ulit at patayin na naman sa inggit ang mga tao sa fans club mo.
at sana,
super sana,
may next time pa.
Love,
Sofia
January 10th, 2007
Word of the day: Transmission
Posted by twinseduction at 06:42 AM on January 10, 2007.
26 days since we last wrote here.
I'm/We're baaaaaack~!
Sofia,
Oh, how I miss you my twin! Those nights of unrelentless talking, those mornings when we would not sleep and just talk, talk, and talk some more.
In seven days, I'll be there.
Angelo and that black leatherbound planner is with me, and are waiting for your hands caress them.
After Mary, I fell in love again, with Cebu. And now, I have a girlfriend. And it's not Cebu, mind you. It's the online buddy I told you about.
Can't wait to see you.
I love you twin!
xoxo
Alberto
December 13th, 2006
word of the day: cessation
Posted by twinseduction at 10:03 AM on December 13, 2006.
a tagger of ours hit it.
"tumigil ang mundo."
wala mang ingay. wala mang pang araw-araw na balita, andito pa rin ako. at alam kong nandiyan ka lang.
even in silence. even in the absence of words, of words of the day, and of deafening ym buzzes, you've got me.
you know that.
nothing has changed. i love you.
still.
~sofia
December 8th, 2006
word of the day: taga ilog (tagalog)
Posted by twinseduction at 07:00 AM on December 8, 2006.
Sofia,
Masaya ako at bumalik na tayo sa normal. Sana'y hindi na mangyari ulit yung nangyari nung nakaraang linggo. Pagpasensyahan mo na din kung minsan ay matampuhan ang kambal mo,
Namimiss lang kita.
Mahal kita kambal
-Alberto
December 4th, 2006
word of the day: buendia
Posted by twinseduction at 07:11 AM on December 4, 2006.
sa kadahilanang buo ang aking paniniwalang mas mabibigyan hustisya ang liham na to kung isuslat sa nakagisnang wika, pipilitin kong magtagalog.
Alberto,
kung anumang meron tayo nung magsimula ang twin seduction, buo ang aking pasasalamt. nabigyan mo ng bagong kulay ang mala-tipaklong kong paglalagi sa mga eskinita ng worldwideweb. ibinalik mo sa'kin ang mga alaala nina elmo at patricia, nung dekada 90. (para malaman kung sino sina elmo at patricia, i-download lamang ang chicken pox ebook sa www.lisondra.net)
alam kong nasaktan kita.biglaan at walang pasabi ang aking pglisan sa ating kanlungan. wala ng mas sasakit pa sa nakaraang linggo. andyan ka, andito ako.ngkikita tayo gabi-gabi ngunit d mn lng ngkikibuan. may iba ka na. at ako naman, masyadong naging abala sa mga bagay-bagay kesa magselos. ni hindi ka na nagpapaalam sa tuwing mag-ooffline ka. kung nagpapaalam man, d ko na batid ang katotohanan ng dati.malungkot. masakit. pero wala akong mgagawa kse alam kung sa oras na isusumbat ko ang mga ito sa'yo, ibabato mu lang pabalik sa akin.
yeah right.
isa akong artista. marami sa mga ginagawa ko ay taliwas sa "tama" ng karamihan. kalahati sa mga pinanggagawa ko'y d ko alam kung pno ipaliwanag. ang kalahati naman ay di ko na dapat ipaliwanag pa. alam mo dapat yan bilang isa ring anak ng sining.
kilala mo marahil si ely eleandre basino buendia. minsan isang panahon, hinangaan natin siya ng walang sawa. lumaki ako sa inspirasyon at impluwensiya ng buhay at musika ng eraserheads at ni ely buendia. kasama na dun ang impluwensiyang nomadic. d ako ngtatagal sa isang bagay at lugar. mas mabilis ang takbo ng aking isip kesa galaw ng aking katawan. hindi nkakatagal ng wlang ginagawa ang aking kaluluwa. restless, ika nga. madali akong mgsawa, madali akong mabore.
wala akong pakialam sa karamdamang to dati. masaya ako sa intriga. masaya ako pag pinag-iisip ko ang tao. masaya akong naglakad ng wlang mukha. kaya nga ba ayokong ibigay sa'yo number ko. kuntento na dapat ako sa pagiging faceless at nameless sa sarili kong mundo. maganda dun at masaya ako.
pero dumating ka. alam ng diyos (ko) kung paano ko nilabanang wag kang papasukin sa mundo ko. pero mapangahas ang tadhana't nagawa niyang dalhin ako sa mundo mo. nakapagtataka sapagka't nasa iisang "sariling" mundo lng pala tayo---sa magkabilang dulo nito.
masaya ako at walang pagsisisi. pero ayokong hintayin na lamang na mgsawa na naman ako. na gaya ng iba, itatapon lng kita isang araw. o itatapon mo lng ako.
kaya ako ngpaalam pansamantala, nagpahinga, at nangakong babalik. gusto kong sa pagbalik ko, mamimis kita at prang bago na ulit ang lahat. un un eh. mas pinili kong lumayo ng bahagya para wag magsawa. kse ayokong pkawalan ka at kung anumang magandang alaala na bigay sa'tin ng twin seduction.
hindi ko sinbai to kse inakala kong maiintindihan mo.
isang buwan na lang, malapit na...
magkikita na tayo, hindi ba?